Thursday, March 12, 2009

Kompyuter Games

A. Panukalang Pahayag

- Ang paglalaro ng computer games ay may masamang epekto sa mga estudyante ng 1-LAM ng Kolehiyo ng Komersyo sa Unibersidad ng Santo Tomas

B. Paksa at Suliranin


-Pagtukoy ng Paksa

Ang paksa ng pananaliksik na ito ay ang mga games na nilalaro ng mga estudyante at ang mga masasamang epekto nito sa bawat isa sa kanila.

-Paglalahad ng Suliranin

Sa kasalukuyan nakikita ng mga mananaliksik na malaki ang epekto sa mga estudyante ng 1-LAM ang paglalaro ng computer games at ito ay nakaka apekto sa kanilang mga grado.

-Pansarali o Panlipunang udyok sa pag pili ng paksa

Ang mga mananaliksik ay kasalukuyang estudyante ng 1-LAM sa UST na gustong ipaalam sa mga estudyante kung ano-ano ang mga maaring masamang mangyari kapag ikaw ay naglalaro ng mga kompyuter games. Ang mga mananaliksik ay isa rin sa mga manlalarong nakakaranas ng mga bagay na nakakasama sa kanilang kalusugan pati na rin sa kanilang grado sa eskuwelahan. Gusto rin nila malaman kung paano ba ito mawawaksi o maiiwasan at upang makatulong din sila sa mga taong nakakaranas nito.


C. REBYU / PAG-AARAL

Sa pananaliksik na ito halos lahat ng impormasyon na pinagkuwaan ng mga mananaliksik ay ang internet.

D. LAYUNIN

A. Pangkalahatan

- Layunin ng pananaliksik na ito ang maipakita ang lumalaking bilang nang mga mag-aaral na nagkakaroon ng adiksyon sa pag-lalaro ng kompyuter games, at kung bakit nawawala na ang interes ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral nang dahil dito.



B.Tiyak

-Layunin ng pananaliksik na ito na makahanap ng mga impormasyon kung ano-ano ang mga epekto sa paglalaro ng kompyuter games at kung paano nga ba maiiwasan ang mga masasamang epekto sa paglalaro nito. Nais din ng mga mananaliksik na makatulong sa bawat estudyanteng nakakaranas ng mga masasamang epekto sa paglalaro ng kompyuter games.


E. HALAGA

-Mahalaga ang pananaliksik na ito dahil ito ay magbibigay impormasyon sa mga estudyanteng naglalaro ng kompyuter games ukol sa mga hindi magagandang bagay na kanilang maaraning sapitin kung sila ay magpapatuloy sa pag gawa ng bagay na ito. Ang kahalagan din ng pananaliksik na ito ay upang malaman ng mga estudyante kung paano nila maiiwasan ang mga masasamang epekto sa paglalaro ng kompyuter games.


F. KONSEPTWAL NA BALANGKAS


Kompyuter Games
-Kasaysayan
-Masamang Epekto
-Kalusugan
-Pag-aaral
-Mga sikat na Laro sa Kompyuter
-Mga Kompyuter Shop
-Batas ng Gobyerno tungkol dito


G.METODOLOHIYA

Ang pananaliksik na ito ay magsisimula sa pqgbibigay ng sarbey sa mga estudyante ng 1-LAM sa UST ang mga tanong ay bubuin na kung naapektuhan ba ang kanilang pag-aaral sa paglalaro ng kompyuter games at kung ano ang mga epekto ng kompyuter games sa kanilang kalusugan.


Ito ang magiging sarbey na ipamimigay sa mga estudyante mula sa 1-LAM ng UST ng 2nd semestre ng taong 2008-2009


Kami sina Justin Visda , Heinson Tan at Bryan Yaranon at gusto naming sagutan ninyo ang sarbey na ito na tungkol sa mga masasamang epekto sa paglalaro ng kompyuter games. Salamat sa inyong tapat napagsagot.

1. Sa paglalaro ng kompyuter games, naapektuhan ba ang iyong pag-aaral ?

[ ] Oo
[ ] Hindi

2. May plano ka ba na ihinto ang paglalaro ng kompyuter games? Bakit?

Answer:

3. May plano ka ba na maglaro ng kompyuter games habam-buhay? Bakit?

Answer:

4. Lagyan ng tsek ang mga nararanasan mong masamang epekto sa paglalaro ng kompyuter games.

[ ] Pag labo ng mata
[ ] Pagka hilo
[ ] Pag sakit ng ulo
[ ] Ulcer
[ ] Iba pa : pakilagay ________________

H. Limitasyon / Delimitasyon

Ang pagtutuunan ng pananaliksik na ito ay ang mga dahilan kung bakit ang isang estudyante ay naglalaro ng kompyuter games at kung saan nga ba ito nagsimula pati na rin ang mga masasamang epekto nito at kung paano ito malulunasan. Maaring mabangit din sa pananaliksik na ito ang ibat ibang laro na kinahuhumalingan ng mga estudyante ng 1-LAM at kung saang lugar sila naglalaro.

I. DALOY NG PAG-AARAL

1. Ang unang kabanata ay bubuuin ng kasaysayan ng kompyuter games mula sa kung saan unang ginawa ang ganitong uri ng bagay at kung anong laro ang mga unang ginawa.



2. Ang ikatlong kabanata ay tungol sa mga masasamang epekto ng paglalaro ng kompyuter games sa pag-aaral ng mga mag-aaral ng 1-LAM at pati na rin sa ibang mga estudyante sa buong mundo.

3. Ang pangalawang kabanata ay bubuuin ng mga masasamang epekto ng paglalaro ng kompyuter games para sa kalusugan ng mga mag-aaral ng 1-LAM at sa ibang taong dumaranas ng malalang sakit dahil sa paglalaro ng kompyuter games.


Kasaysayan

Ayon sa article ni Mary Bellis ang unang computer game ay ginawa ni Steve Russell ito ay ang "Space War". Ang larawan sa gilid ay ang piktyur ng pinaka unang computer games sa buong mundo ayon kay Mary Bellis. Nabangit rin Mary Bellis sa kanyang article na ang pinaka unang computer games na maaring laruin sa isang telebisyon ay ang "Chase" na ginawa ni Ralph Baer noong 1967. Ayon muli sa artikulo ni Mary ang pinaka unang arcade game ay ang "Computer





Space" na base sa na unang laro ni Steve Russel na "Space War" na ginawa ni Nolan Bushnell at Ted Dabney noong 1971 at noong 1972 nilabas ni Nolan Bushnell ang larong "Pong" na ng kinalaunan ay ginamit na pambahay na laro ng "Atari Video Game".

Isa namang artikulo ang nabasa ng mga mananaliksik tungkol sa kasaysayan ng kompyuter games ito naman ay ayon sa artikulo ni Geoff Edgers.

Ayon kay Geoff ang unang game console ay tinatawag na "Atari VCS" ito raw ay nakabenta ng 30 million na uri nito, ito ay may dalawang joystick at itong console na ito ang naghari hangang kalagitnaan noong 1980's ngunit marami daw ang hindi na nakuntento sa game console na ito kaya dito nag simula ng pag gawa ng laro ang nintendo ayon ito kay Geoff.





http://inventors.about.com/library/inventors/blcomputer_videogames.htm



Masamang Epekto ng Kompyuter Games




Pag-aaral:

Ang kompyuter games ay mahirap tanggihan lalo na kung ito ay nasa paligid lamang. Masaya at nakalilibang ang pag-lalaro nito at nakakalimot tayo sa mundo ng ating mga alalahanin Ngunit ito din ay may mga masamang naidudulot sa atin, katulad ng adiksyon.






Ayon kay Edmund Kam, ang adiksyon ay ang sobrang pag-lalaro, at hindi na ito napipigilan. Ngunit bakit hindi ito napipigilan? Maraming kabataan ang nagsasabing sila ay nababagot sa kanilang mga gawain, lalo na sa pag-aaral. Kaya naman ang pag-lalaro nang kompyuter ang nagbibigay sa kanila nang kasiyahan at ng mapaglilibangan.

Maraming mag-aaral ang nagwawaldas nang kanilang mga pera sa pag-lalaro ng kompyuter, minsan pa nga ang kanilang pera ay ginagamit pa nila upang ipambili ng tinatawag na “Virtual Money”, ito ay ang perang ginagamit sa ilang kompyuter games. Ang pag-lalaro ng mga larong ito ay aksaya sa oras lalo na at kinakain nito ang oras mo upang mapaunlad ang iyong sarili at ang iyong pag-aaral.

Ang adiksyon sa mga kompyuter games ay nilalayo ang mga mag-aaral sa tunay na mundo na dapat para sa kanila. Ang mundo na dapat ay lumilinang sa kanilang mga isipan para magging mga propesyonal sa hinaharap. Ito ay nagbibigay ng mga halimbawang hindi makakatulong sa paghubog ng mga mag-aaral at sa kanilang pagkatuto. Minsan pa nga sa sobrang adiksyon ay hindi na pumapasok ang mga mag-aaral sa paaralan.

Mahirap pigilan ang pag-lalaro nito ngunit kung hindi ito matitigil paano na ang kinabukasan nang ating bayan kung ang mga kabataan ay iba na ang mundong ginagalawan at hindi na din pinahahalagahan ang pag-papaunlad ng kanilang mga sarili.

Paano na ang susunod na henerasyon kung hindi papahalagahan ang edukasyon na siyang susi sa bawat maunlad na bansa. Ngayon sa mga mambabasa nang research na ito huwag sanang ipagpalit ang edukasyon at ang pag-lilinang sa ating mga sarili sa walang saysay na pag-lalaro nang kompyuter games, dahil bukod sa pag-lalaro marami pa tayong magagawang mas makabuluhan.




Kalusugan:



Mga masamang epekto ng sobrang pag-lalaro ng kompyuter games:






* Sobrang Pag-taba
* Video-induced Seizures
* Tendonitis
* Nerve Compression
* Carpal Tunnel Syndrome
* Eye Strain






Pangwakas


Ang grupo ng mga mananaliksik ay nakakuwa ng impormasyon sa internet pati na rin sa kanilang kapwa kakaklase upang makatulong sa pagtapos ng pananaliksik na ito. Talagang marami ang mga masasamang epekto na idinudulot ng kompyuter games sa mga estudyante sa kanilang katawan pati na rin sa pang araw-araw na pamumuhay. Marami ang rason na kung bakit pinag papatuloy ng mga estudyante ang paglalaro ng kompyuter kahit na marami sa kanila ay nakakaranas na ng mga masasamang epekto nito. Sa mga pananaliksik na ginawa mayroon din naman mga batas na ginawa ang gobyerno ukol dito ngunit karamihan sa mga estudyante ay hindi nakakaalam nito at wala rin naman silang paki, dahil ang paglalaro ng kompyuter games ay isang adiksyon na mahirap talagang itigil. Ang mga mananaliksik ay nakakuwa ng impormasyon tungkol sa mga sakit na maaring makuwa sa paglalaro ng kompyuter at ninanais nila na ipaalam ito sa mga estudyante upang mabawasan ang mga estudyanteng nakakaranas ng mga masasamang epektong dulot ng paglalaro ng kompyuter games.

Konklusyon


Sa kanilang pananaliksik, marami ang maaring matutunan. Katulad ng kung paano ba nagsimula at ano ba ang pinakaunang kompyuter games na ginawa at kung sino-sino ang mga unang mga kompyuter programmer. Makikita rin sa pananaliksik na ito ang masasamang dulot ng paglalaro ng kompyuter games . Napatunayan ng mga mananaliksik na mayroong masamang epekto ang paglalaro ng kompyuter games, dahil sila ay mga estudyante rin na naglalaro ng kompyuter games at nakakaranas ng mga masasamang epekto nito dahil ito ay sagabal at aksaya sa oras para sa mga mananaliksik, at ang nangyayari ay nawawalan na sila ng oras upang mag-aral. Ayon na rin sa sarbey na kanilang ginawa ay halos karamihan sa mga estudyanteng lalaki ng 1-LAM ay nakakaranas ng panghihilo at paglabo ng kanilang mata ngunit ang mga estudyanteng babae ng 1-LAM naman ay hindi gaano naglalaro nito kayat hindi naapektuhan ang kanilang pag-aaral at kalusugan. Marami din sa mga estudyante ng 1-LAM ay gusto ng tumigil sa paglalaro ngunit ito na rin siguro ang kanilang libangan at sa paglalaro nito at nakakalimutan na rin nila ang mga problema sa eskuwelahan at sa bahay. Nagagawa na rin ng mga estudyante ng 1-LAM ang hindi pag pasok sa kanilang klase upang makapag laro ng kompyuter games, doon pa lang ay makikita mo na malaki talaga ang epekto ng paglalaro ng kompyuter games sa kanilang pag-aaral.


Rekomendasyon

Ang pananaliksik na ito ay para sa mga estudyante ng 1-LAM pati na rin sa lahat ng estudyanteng nahuhumaling na sa paglalaro ng mga kompyuter games. Dahil ang paksa ay tungkol sa mga masasamang epekto na dulot ng paglalaro ng kompyuter games at marami sa mga estudyante ay nakakaranas nito. Hindi sinasabi ng mga mananaliksik na masama ang paglalaro nito kundi ay ipinapaalam lang nila sa lahat ang mga magiging epekto kung sila ay maglalaro nito. Ang pananaliksik na ito ay para ipaalam rin sa mga estudyante at babalaan sila na ang pagmamalabis hindi lang sa kompyuter games pati na rin sa lahat ng bagay ay masama, dahil naniniwala ang mga mananaliksik na ang lahat ng labis ay masama. Gusto rin iparating ng mga mananaliksik na ang mga masasamang epekto ay maaring maiwasan kung ang paglalaro ay hindi sosobrahan at ang pag-aaral ay ang dapat na mas bigyan pansin.


Sangunian

Ang mga impormasyon ay galing sa mga web site na ito


http://www.raisesmartkid.com/raise-smart-preschool-kid-articles/the-good-and-bad-effects-of-video.html

http://library.thinkquest.org/07aug/01690/conclude.html

http://inventors.about.com/library/inventors/blcomputer_videogames.htm